Sa patuloy na layuning mapabuti ang serbisyo para sa mga mamamayan ng San Fernando City, Pampanga, ipinakilala ng lokal na pamahalaan ang Voice Connectivity Integration or One Hotline Number – isang epektibong paraan ng komunikasyon para sa mga taga-lungsod. Dahil sa pagsulong ng teknolohiya upang mapadali at mapabilisang pagtugon sa mga pangangailangan at mga hinaing ng mga residente, patuloy nanagpapakita ng malasakit ang pamahalaang lungsod para sa kanilang kapakanan.
Ibinahagi ni San Fernando City Mayor Vilma Caluag na isinusulong nila ang centralization ng voice connectivity ng lungsod para sa pagpapabuti ng kanilangserbisyo publiko sa pamamagitan ng Kayabe Hotline Number 961HELP.
“Ang initiative na ito ay makakatulong hindi lamang sa ating pamamahala kundi pati narin sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng aking mahal na mga taga San Fernando. Gayundin sa pagpapaganda at pagpapabilis ng komunikasyon sa lokal napamahalaan,” Dagdag ni Mayor Caluag.
Ayon pa sa kanya, mas magiging madali na sa LGU na makipag-ugnayan sa kanilangnasasakupang 35 barangay dahil sa teknolohiya na kanilang nakukuha ay makapagbibigay ng mabilisang updates lalo na sa gitna ng mga unos tulad ng bagyo, paglindol at pagbaha.
Kayabe Hotline Number – 961HELP (4357)
Ang Gur Lavi Corp. (GLC), ay isa sa mga nangungunang voice technology provider sabansa, ang magiging katuwang ng San Fernando City sa ground-breaking ngproyektong ito gamit ang isa sa mga flagship product nito na TeLavi ang itinuturing napioneering all-in-one cloud communication technology sa Pilipinas ngayon.
Sinabi ni GLC President and CEO Erwin Co, “Ang pagkakaroon ng Telavi ay magbibigay ng malaking tulong para sa San Fernando City lalo na sa pagpapabuti ng internal at external communication ng pamahalaang lungsod. Sa panahon ng emergency at kalamidad, malaking tulong ito sa mga taga San Fernando City namapabilis ang tugon ng LGU sa kanilang pangangailangan.”
Isang numero lamang ang dapat matawagan ng mga residente ng San Fernando Cityupang maipa-abot sa mga ahensya ng pamahalaang local. Kailangan lang nilang i-dial ang 961HELP(4357).
Sinabi rin ni Co na ang mga empleyado ng munisipyo ay maaaring manatilingkonektado sa kanilang mga kasamahan sa opisina o ibang departamento sa munisipyogamit ang Telavi App.
Pagpapabuti ng Buhay sa San Fernando City
Sinabi naman ni Mayor Caluag na noon pa man ay layunin na ng San Fernando CityLGU na magkaroon ng centralized voice connectivity or one number hotline, sapagkatito ay isa sa katibayan ng pag unlad ng syudad lalo na kung Digital Transformation ang pag uusapan.
“Sa aking mga kababayan dito sa San Fernando City, umaasa kami na ang proyektongito ay magpapagaan at magpapatibay ng komunikasyon sa pagitan ng aking mgakababayan at lokal na pamahalaan. Kaya sana ay ipagpatuloy po ninyo ang suporta at pagtitiwala sa pamamahala ng inyong lingkod kasama ang ating bise alkalde, mgakonsehal, mga kapitan ng barangay, at mga social workers ng barangay. Para sa atinglahat ito!” pagtitiyak ni Mayor Caluag.
Ang proyekto ng San Fernando City na one hotline number sa pamamagitan ng Telavi ay bahagi ng mga makabagong proyekto sa lalawigan ng Pampanga sa hinaharap.
Para sa karagdagang detaye tungkol sa TeLavi at ang mga benepisyo nito, bisitahinang www.telavi.com.ph.