Mabalacat City Mayor, in celebration of Father’s Day today, June 16, has a message for fathers.
“Sa araw na ito, nais kong iparating ang aking taos pusong pasasalamat sa mga responsable at huwarang mga ama, para sa inyong walang-sawang pagmamahal, sakripisyo, at pagmamalasakit sa inyong mga pamilya.
Sa bawat pagpupunyagi at pagtitiyaga upang mapanatili ang kaginhawahan at kaligayahan ng inyong mga mahal sa buhay, tunay kayong mga bayani sa ating lipunan. Saludo ako sa inyong dedikasyon at pagmamahal na walang kapantay.
Nawa’y ang araw na ito ay maging isang pagkakataon para sa inyo upang makapagpahinga, magdiwang, at maramdaman ang pagmamahal mula sa inyong pamilya. Patuloy sana kayong gabayan ng Panginoon at bigyan ng lakas at kalusugan upang patuloy na maglingkod at magmahal sa inyong mga mahal sa buhay.
Muli, maligayang Araw ng mga Ama sa inyong lahat! Mabuhay ang lahat ng mga mabuting tatay ng Mabalacat City!”